Gusto ko lng po ikunsulta kung ano po ba ang magandang gawin para mapawalang bisa ung kasal ko sa dati kong asawa.
Bukod sana dun sa pag- file ng annulment na ang ground ay "psychological incapacity'.
Maari po bang pag payuhan nyo ko kung ang nangyari po sa akin ay isang halimbawa nang Void Marriage.
Ganito po kasi ang nging sitwasyun nmin:
December 11, 2000 nung finally napag pasyahan n nmin na magtungo sa City Hall ng Kalookan North, Sa may Camarin.
Kinabukasan December 12, 2000 nagtungo kami ng maaga sa City Hall at duon namin napaglaman na meron palang mga pre-requisite bago po kami tuluyang makasal.
Dahil sa kagustuhan naming ng mabilisang kasal, nagawan po nmin ng paraan. Nagtanong tanong po kami na pwede kaming makasal kahit wala pa ung mga pre-requisite para maka acquire kami ng lisensya upang makapagpakasal.
Sinabihan n lng kami na asikasuhin ung mga ibang requirements after ng kasal, gaya ng seminar tungkol sa pagpaplano ng pamilya ..atbp.
At nung kinahapunan din ng araw n iyun. Kami ay dinala sa isang opisina (container van n ginawang office) malapit sa City Hall, at duon idinaos ang seremonya ng aming kasal.
Sa madaling salita po, wala po kaming lisensya nung araw na maganap ung seremonya.
Nung kunin na nmin sa City Hall ang aming Marriage Contract, Napansin nmin n ang petsa ng kasal nmin ay December 14, (Na dapat eh December 12 kung saan po ay actual na naganap ang kasal naming) at nung itananong namin kung bakit, kasi December 14 pa raw dumating ung lisensya namin.
Ako po ay 20 taon gulang at ang nagging asawa ko po ay 21. Mahigit isang taon pa lamang kaming nagsasama. Dahil nagtanan kami nuong September 1999 sa kadahilanan na nagdadalantao na po sya nuon