Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

What case can be file against me for not Paying 100k under our "Kasunduan"

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

kois74


Arresto Menor

Good Day Attorney!

Kailangan ko po ng inyong Legal Advice regarding sa problema ko.My Tita is trying to sue me (for not paying 100k) kasi po hindi ko binayaran sa takdang araw yung 2 properties na ibinenta nya between me and my father.Yung properties po na iyon ay mana nila ng father ko sa magulang nila pero sa kanilang dalawa po nakapangalan yung property na iyon.Sa "kasunduan" po ng bentahan,3 kami na dapat pumirma,yung Tita ko,my father and I,pero yung father ko po ay hindi pumirma although binayaran nya yung share nya then yung sa akin ay may itinakdang araw para mabayaran ko po,pero bago po dumating yung araw ng pagbabayad ko ay may natanggap po akong sulat mula sa kanyang Legal Counsel,isa lang po ako sa copy furnished nun pero ang direktang pinasasagot sa sulat na iyon ay ang father ko at ang nilalaman po nun ay tungkol sa mga mana o naiwang pag-aari ng namatay nilang mga magulang na kasama po yung property na babayaran ko sana sa Tita ko.Pinuntahan po ako ng father ko at sinabihan na huwag ko ng bayaran yung parte ko sa "kasunduan" dahil sya ay hindi na papayag na hatiin ang nasabing property dahil sa ginawang paghahabla ng kapatid nya (yun yung tita ko) dahil sa mga mana nila,subalit ang tita ko po ay gusto po talaga akong pagbayarin,pero sa paghaharap po namin sa Barangay sa harap ng Kapitan ay hindi na kami nagkasundo at hindi natapos ang paghaharap sa barangay kahit sa LUPON (Barangay Justice).Attorney meron po bang pwedeng isampang kaso sa akin ang Tita ko kahit na ang pilit nyang pinababayaran sa akin ay hindi pa legal na nahahati sa kanila ng father ko at ang nasabing property ay wala naman sa akin dahil ito ay isang "DRIER" na nakatayo sa lupa na nakapangalan sa kanilang dalawa ng father ko?ano po ba ang dapat kong gawin dahil para po sa akin ay hindi na ako interesado na ito ay bilhin at ayoko na pong makisali pa sa gulo nilang magkapatid.

Sana po ay mapayuhan nyo ako.SALAMAT PO!

attyLLL


moderator

she can file a civil case to collect. you can try to raise the defense that further accounting is needed because of the issues

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

kois74


Arresto Menor

thank you po Attorney.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum