gusto ko po sanang humingi ng advice sa kung anung dapat kong gawin para maiparehistro
ang aking birth certificate.
20 yrs old na po ako at ipinanganak ako sa Pampanga Provincial Hospital.
hindi po kasal ang mga magulang ko pero apelyido ng aking ama ang gamit ko.
may binigay po saking kopya ang nanay ko noon ng aking birth certificate na syang ginamit ko
sa loob ng 17 taon para mga transaksyon na kinakailangan ng birth certificate.
hanggang sa kinailangan ko ng kumuha ng NSO copy ngunit dun ko palang nalaman
na wala pala akong rehistro sa NSO kaya pumunta ako sa munisipyo ng lugar ng aking kapanganakan
ngunit wala din akong rehistro doon..Pinayuhan akong mgpa Late Registration at binigyan ako ng listahan
ng mga dokumentong kakailanganin kasama na dun ang kopya na manggagaling sa Hospital kung
saan ako pinananganak.Meron akong tala doon sa hospital ngunit may naka tala na araw ng kasal
ng aking mga magulang samantalang hindi naman sila kasal.
Ang sabi sakin sa hospital ay maari kong papirmahin nalang ang aking ama
ngunit wala ng pipirma sapagkat 18 taon ng patay ang aking ama.
Kaya ang sabi sakin ay maari daw akong mag parehistro gamit ang apilyedo ng aking ina.
Ngunit di po ba ay apektado din ang aking mga school record,SSS,NBI,Baptismal at sa tingin ko po ay
pati ang Birth certificate ng aking anak ay maapektuhan kung mgpapalit ako ng apilyedo ng aking ina.
May paraan po ba para manatiling gamit ko ang apilyedo ng aking ama at mairehistro ang aking kapanganakan
ano po ba ang magandang dapat gawin at kung sakali ay mag kano naman ang aabutin ng gastos?
Marami na po kasi akong nasayang na oportunidad gawa ng wala akong Birth Certificate.
Maski sa kolehiyo at sa trabaho ay hinahanapan ako ng NSO copy ng Birth certificate
kaya hindi tuloy ako makakuha ng permanenteng trabaho gawa ng kawalan nito.
Umaasa po ako sa inyong sagot..Maraming Salamat po.