gusto ko lang po sanang humingi ng legal advice about sa pinsan ko..
ikinasal po sya nung 2009 tapos ung wife nya po after 1 month pagtapos ng kasal bumalik na ng ibang bansa para magtrabaho..
nung oct 2010 nagkaroon po sila ng hindi pagkakaintindihan dahil nga po long distance relationship sila.. nawalan po sila ng communication for 7 months in short parang tinapos nila ung relation nila..
tapos nagkabalikan din ulet..
pero nung dec 2010 nag-away na naman po sila kaya tinapos na po ng pinsan ko ung relation nila.. hindi ko lang po sure kung tinanggap ng girl un..
Ngayon po ung Pinsan ko ay may bago ng girlfriend at 4 months na po sila and it seems na masaya naman na sya.. tanggap sya nung Gf nya kahit alam nitong may asawa sya..
nalaman po ito nung Ex-wife nung pinsan ko at galit na galit na nagsabi na kakasuhan daw nito ang pinsan ko.. Pero napag-alaman po ng pinsan ko na may BF na daw ung Ex-wife nya kaya lang parang sa Chat lang sila nagkakilala nung guy..
maari po ba talagang makasuhan nung ex-wife nya ung pinsan ko?
payo naman po
thanks and Godbless!