Sori po..ito na po ang pangyayari. May pamana po kami galing sa parents ng aking ama. Pinaghatian po namin ito sa apat at dahil patay na po aking ama kaya sa akin napunta ito. Apat po silang magkakapatid at isa na lamang po ang nabubuhay.
Ang tiyahin ko po ay nag ampon ng 2 at ang isa po dito ay pamangkin niya. Nakapag asawa po ng Amerikano ang isang ampon na babae.
Ang isa ko pong tiyuhin ay nagdesisyon na ipagbili ang parte nito sa babaeng ampon na may asawa na. Nagpagawa po ang ampon na babae ng extrajudicial settlement with absolute sale, nag nagsasabi na pinagbili din po ng aking tiyahin ang kanyang parte sa kanyang anak na ampon na babae, na wala po ito sa usapan namin. Pinatituluhan ng babaeng ampon ang irensya ng kanyang ina na wala sa usapan. Ang sabi niya lang ito daw po ay deed of sale para sa parte ng aking tiyuhin na ibinenta sa kanya..ito po ata dapat ang deed of sale. Hindi po ako pumirma sa extrajudicial settlement na ito, dahil apat po kaming mga legal na tagapagmana. 3 po ang nakapirma dito na hindi po nila lubusang nauunawaan. Naganap po ito noong 2004 at dahil ngayon lang po ako nakabalik sa lugar na ito, ngayon ko lng po nabasa ang settlement na ito. Isa na lamang po ang buhay sa apat na tagapagmana ng irensiya sa tagal ng panahon.
nabili na po ng babaeng ampon ang 2 irensiya at parehong titulado na.. walang nangyaring bentahan sa irensiya ng kanyang ina dahil wala naman itong nahawakang pera. Paano po ang isang ampon, wala na po itong mana na galing sa kanyang ina? ano po ba ang pwede kong ihabol dito?
Salamat po!
Salamat po!