I just need some advice regarding what happened to me, Employee po ako ng isang callcenter company, I have been working there for almost 4 years na tapos just recently eh may naging issue po sa account namin, parati po nakakareceive ng short calls di lang po ako pati po halos lahat ng agents don tapos kamalas malasan eh ako po yung nakahunan ng sample calls ng client at bigla nila akong binigyan ng corrective action kasi po sa grounds ng call avoidance which leads to termination. Binigyan po nila ako ng explanation na sabi sa akin ng immediate supervisor ko na to do it within 24 hrs, ginawa ko naman po kasi alam kong di ko naman ginawa yun so ayun naghintay po ako ng hearing with HR, then hearing came, nag agree ako na i voice recorder kasi kampante ako na wala nga akong kasalanan tapos sabi sa akin ng HR na aware ba ako na pwede kong isubmit yung explanation ko within 5 days at pwedeng magdala ng witness dahil sa gravity ng offence, I told them na hindi ko alam at ok lang na sagutan yung explanation within 24 hrs kc alam ko wala akong kasalanan. To cut the story short, they still terminated me even if I had explained my side, pinagpipilitan nila yung one call id na nandon sa reklamo na pinaka basis nila na meron daw narinig na noise sa background at paano ko daw ieexplain yun, ang sabi ko ay di ko alam at as I said di ko nga ginawa yun sa tagal ko bang empleyado eh sisirain ko ba yung credibilidad ko at pangalan para lang sa ganon and ang daming kasong ganon pero yung iba pinalusot nila kahit na may physical witness pa eh ako wala naman, binase lang nila sa recording at ID. I refused to sign the termination paper at sabi ng HR na magsulat na lang ako ng grievance letter sa director namin if they will give me another chance kc mahirap mawalan ng work at matagal na din ako sa company na yun. Ang masakit pa non eh sinasabi ko na sa Operations manager namin non na magreresign na lang ako para at least may makuha man lang ako pero he refused sabi maghintay na lang ng outcome pero eto nga yung nangyare, worst pa eh sa tagal ko ng nagwowork don eh di nila ako pinapirma ng contract although ilang beses ko ng pina follow up yun. I just need an advice na tama po bang hintayin ko yung result nung grievance letter ko or magfile na po ako ng report sa NLRC? at kung mag fifile man eh may laban po ba ako? I hope you can enlighten me kasi po medyo depressed po ako sa nangyayari sa akin, I felt that it was unfair on my end. Thanks po and more power.