Ano po ba pwede kong gawin kung ako ay inenroll at ginawan ng isang credit card account ng walang permission na galing sa akin?
kanina po kasi ay nag log in ako sa online account ko. regular savings account lang ang meron ako, yung nagagamit pang withdraw sa ATM. nagulat ako noong nakita ko na may bago naenroll na account sa name ko--tapos credit card pa!
ano po ang pwede kong isampang reklamo sa banko? hindi naman po sila pwedeng basta-basta na lang gawan ako ng credit card na wala akong nalalaman. kinunan ko po agad ng screenshot at video yung pag online account ko para may evidencia.