hingi lang po ako advise.Nakabili po kmi ng lupa d2 sa Pinas year 2002 habang nasa abroad ako.Ipinangalan ko na lang sa parents ko ang title dahil daw po kailangan pa ng SPA kung sa akin ipapangalan, naisip ko para di n kmi maabala sa tuwing may pipirmahang documents ay magpapa-SPA (SPECIAL POWER OF ATTORNEY) pa, bukod sa magastos ang EMS, baka lang po mawala, kaya pinayagan kong ipangalan na lang sa mga magulang ko.Pag uwi ko ng year 2004, di ko na inabalang isalin pa sa name ko dahil parents ko naman sila, tiwala at respeto na lang bilang magulang. Wala naman ako nakikitang problema kung nasa pangalan nila. Hanggang year 2009 nagumpisa na po akong pagawan ng bahay ang lupa na iyon, upang patirahin ang aking magulang at kapatid na may asawa na din at isang pamangkin. Ang pagpapagawa ng bahay ay nagmula sa remittance ng lalakeng aking pinakasalan na taga-ibang bansa.
Last year, nagkaroon po ako ng live-in partner na inaayawan ng magulang ko at umabot sa matinding awayan dahil ipinaglalaban ko po ang pagsasama namin.
Dahil sa mga nangyari, nagkaroon ako ng mga worries na ipagpatuloy ang pagpapagawa ng bahay dahil lately nawawalan na po ako ng karapatan magdesisyon sa pagpapagawa ng bahay.Ang napapansin ko ay gusto nilang matapos na ang bahay ng madalian at titirhan na nila, sa takot nilang itira ko doon ang aking live-in partner.
Ngayon po ay may nakarating sa aking balita na nagkokonsulta na po sa abogado ang aking mga magulang.
Ang tanong ko po ay may posibilidad po kaya na mapunta pa akin or sa anak ko ang titulo nang lupa kung sakaling umabot kami sa korte? Ang plano ng bahay at building permit bagamat nakapangalan sa akin, may karapatan po ba ako na makipag-laban sa kanila? Ang tanging ebidensya ko lang ay ang mga plano ng bahay na nakapangalan sa akin, at ang bank remittance certificate na tumatanggap ako ng padala mula sa aking foreigner husband.
Ayoko lang po mabalewala ang mga pinaghirapan ko takot po ako na baka isang araw ay ipamana nila sa isa sa mga pamangkin ko, or isa sa mga kapatid ko, at isa pa umaasa po ung pinakasalan ko na pagdating ng retirement niya ay matitirhan nya yung bahay dahil ipinapagawa nya yun para tlga sa pagtanda niya.
Sana po matulungan nyo ako salamat po.