Newbie po ako and nag-join ako sa forun na to to seek advise regarding the property I intended to buy in Filinvest. Eto po yung mga questions ko:
1. Pwede ko pa po kaya marefund yung downpayment namin na 20,000 kasi ika-cancel na namin yung purchase sa lot? Ang nangyari po kasi, ibang lote yung pinakita samin during the tripping. And nung nakita ko yung correct location ng lote na ino-offer sa amin, ayaw namin dahil di maganda yung area. Nalaman ko po iyong mali after namin ibigay yung 20K.
2. Sabi ng manager, di na daw po namin mababawi yung 20K na reservation fee kasi NON-REFUNDABLE daw yun at nakalagay daw yun sa contract na pinirmahan ko. Applicable pa rin po ba iyon kahit merong misrepresentation sa side nila? Malinaw naman na kasalanan nila yun di ba?
3. Ano po yung mga legal actions na pwede namin gawin kapag nag-pumilit sila na hindi i-refund yung 20K?
Thanks in advance & More power to you, sir!