Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Rental Charges

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Rental Charges Empty Rental Charges Mon Apr 18, 2011 9:33 pm

Bruce26


Arresto Menor

Good day!

Ask ko lang po valid ba ang charges sa dapat naming uupahang bahay.Dapat po kasi ay nakalipat na kami ng apartment last Saturday April 16,2011 kaya lang nalaman naming marami pa lang problema sa bahay na yun. Noong April 13,2011 ay naghanap kami ng apartment na malilipatan namin.may nakita kami pero maraming sira at dapat ayusin katulad ng basag at baradong kitchen sink,umaapaw ang drainage sa ialalim, sira ang mga faucet,walang bukilya ang mga ilaw, sira ang door knob ng main door kaya di mo maisara ang pinto.Sinabi namin sa nagpapaupa na sana ayusin muna ang mga sira sa bahay at sinabi nila na aayusin at pwede ng lumipat sa Saturday April 16,2011.Umaga ng nasabing araw ay tumawag kami sa landlord at tinanong kung ayos na ba ang mga sira sa bahay at pwede ng lipatan at oo daw ang sabi nila.Nagpunta kami doon para linisin muna bago lumipat at tignan kung naayos na ang bahay.Pagdating namin ay nagulat kami dahil walang naayos sa aming mga pinakiusap at nakakadiri ang kitchen sink dahil umapaw ang mga kulay itim na tubig at sobrang baho,wala din nabago ang iba pa naming gusto ipaayos.Kinausap uli namin ang landlord at sinabi ang aming mga nakita sa bahay.Masyado siyang defensive at ayaw pakingan ang aming sinasabi.Medyo nawalan kami ng gana sa pakikitungo samin ng landlord at tinanong ko kung pinuntahan niya na ba ang paupahan niya at hindi siya sumagot.Sa inis ko ay pinakita ko ang kuhang litrato ng mga sira sa bahay at bigla siya natulala at sinabi niya na gagawan na lang daw sila ng paraan pero kung ayaw namin ay umatras na lang daw kami.Di natuloy ang paglipat namin at humingi sila ng extension na 1 araw para magawa ang mga sira at magte-txt na lang daw pagtapos na.Nagtext sila kagabi (April 17,2011) at gawa na daw ang mga sira.Kinabukasan ng umaga (April 18,2011) ay nagpunta kami para makita at tinapalan lang ang mga basag na tiles sa kitchen sink at umaapaw parin ang tubig at ang mabahong amoy sa loob ng bahay.Nagdesisyon na kaming umatras na lang dahil sobra na kami naabala sa pabalik-balik sa lugar at pag-absent sa trabaho dahil malayo ang lugar.Kinukuha namin ang aming deposit pero di raw ibibigay ng buo at dahil may charge daw yun ng 6 days simula nung nagbayad kami ng deposit nung April 13, 2011 hangang kanina April 18, 2011. Di kami pumayag dahil sila ang dahilan kaya di kami nakalipat kaagad dahil di sila tumupad sa usapan na aasyusin ang mga sira sa bahay.Malaking abala ang nangyari samin dahil maraming adjustments ang ginawa namin at hindi pa namin makuha ang deposit na pera sa landlord.TAMA BA NA MAGBAYAD KAMI NG PRORATED SA KANILA KAHIT DI KAMI TUMIRA DOON AT DI RIN KAMI ANG CAUSE OF DELAY?Pasok po ba ito sa RA 9653 Sec.7?

2Rental Charges Empty Re: Rental Charges Tue Apr 19, 2011 4:09 pm

Bruce26


Arresto Menor

Follow up ko lang po sa concern ko. Sana may makatulong

3Rental Charges Empty Re: Rental Charges Wed Apr 20, 2011 9:10 am

attyLLL


moderator

first send a demand letter for return of your deposit then your remedy is to file a complaint at the bgy if you live in the same city or municipality. if not, you can file a small claims case directly.

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum