atty,hihingi po sana ako sa inyo ng advice kung ano po ang dapat ko po gawin sa ngayon. 1 month na po ako dito sa Riyadh,Saudi nung April 9,2011 kaso nagkaroon po ng welga ang mga matatagal ng empleyado dito sa company gawa ng hindi pagbibigay ng monthly salary. nagsimula po di pumasok sa trabaho April 2 until now po wala pa din kami trabaho at di po kami pinapatawag ng company.magsasarado na daw po ang company pinapasukan ko dito dahil wala na daw po mapasahod sa employees. ano po ang dapat ko gawin paguwi ng pilipinas? pwede ko po ba irefund sa agency ko ang placement fee at mga nagastos dahil wala pa po ako 1 month dito sa saudi ay di na naging maganda lagay ko. March 9, 2011 lang po ako umalis ng pilipinas at lahat po ng ginastos ko ay puro utang.pati po ang lahat ng nakalagay sa contract ko po na monthly salary at allowance hindi po nasunod pagdating dito. wala naman po sa contract ko na binigay ng agency na may pondo.first 3 months wala sahod at hold pati po ang allowance. ngayon po nalaman namin na wala na po pasweldo ang company kaya magsasara na. may concern pa rin po ba ang agency ko sa pinas sa nangyayari sa akin dito sa abroad kung san po nila ako ipinadala? salamat po.