Pwede po ba akong makihingi nang legal advice, Ganito po nangyari nag wo-work ako for more than 2 years sa isang bpo comp mga 80 kami na employee. Ang nangyari po last 2009 Aug nag file nang retrenchment ang companya nasama ako sa mga na retrench naibigay namn ang 1 month notice & separation pay at letter na nag file din daw sila sa dole for retrenchment.Ito po Question ko.
1)May tamang paraan ba kung paano sila namimili nang tatangalin or isasama sa retrench? Dahil wala namn ako nareceive na Poor ang performance ko & Humingi ako nang basehan nun but wala sila maibigay or Binase lang nila sa mga may malalaki ang sahod kasi nabalitaan ko na pagkatapos nila mag tangal naghire sila ulit nang bagong Batch na mababa ang sahod.
2)1 month bago sila nag retrench ay nag pautang sila sakin nang 150,000 sa coop nila but inaprove nila un. So ang nang yari nung nag compute sila kung magkano ang separation Pay,Retrenchment Pay & Back pay na ibabayad sakin Lahat nun ako pa ang may utang sa kanila na 48,000. So suma total umalis ako nung araw na un sa Companya na may dalang supot na lalagyan nang mga gamit ko na wala kahit isang kusing? At bakit puinautang pa nila ako in the first place 1 month bago magRetrench kung isasama nila ako duon sa Retrenchment?
3)Tama ba ung ang pag ka inform nila samin halimbawa ganito Monday pinapunta kami sa Office kala namin may ibang project pero pag punta namin andun na ung papel nang retrenchment although legal un nakasaan na ito ung 1 month notice pero di na kami papasok bayad kami etc. So ibig ko sabihin ung araw na un lang kami inonform na mag balot kayo nang gamit nyo bawal na kayo pumasok dito kasi nga retrench na kayo. Nkakasakit sa moral nang tao uuwi ka nang supot na pagkalaki laki ang dala mo. kahit may tamang papeles sila sa pag retrench diko lang alam kung Legal nga ba ung papel?
4)May kaso po ba ako na file na sila po ang sinisi ko na dahil sa kanila nagka malas malas buhay ko simula nang tinangal nila ako, Nabaon ako sa utang, Naghiwlay kami nang Fiance ko na dapat ikakasala na kami nung 2010 nagkahiwalay kami dahilan ay Pera, Di ako nakahanap nang Trabaho for almost 1 year, naging depress ako simula nung nangyari un.
5)Ano po ba ang laban ko kung magsampa ako nang kaso? Malaki po ba chance ko manalo or mas maganda na pabayaan ko nalng, Ano po ba ang makukuha ko kung sakaling manalo? (Ps may pinirmahan nga pala ako na papel sakanila na retrech na & di ko na maalala kung may iba pa ako napirmahan.) Hangan ngayon operational pa ung Company at panay pa ang Hire sa bagong Employee.
6)Pano po ba kung matalo ako sa kaso baka ako naman ang kasuhan kasi nga po may utang pa ako sa kanila na 48,000. Pero simula nung tinangal ako isang phone call lang ang tumawag sakin regarding sa utang ko then wala na kahit sulat na naninigil sila di na sila nag habol or naningil hangan ngayon.
7)Problema ko po kung kakasuhan ko sila ay wala akong makukuha na Atty kasi po wala po akong maibabayad na cash or ipon para sa mahabang kaso. Meron or pwede po ba ang Agreement between sa Atty & me na kung Manalo ang kaso bago ko siya bayaran or isama na rin ang Atty fee sa kaso?
8)2009 Aug pa ako na retrench pwede paba ako magfile?
20k ang sahod ko per month dun sa Company.
Maraming pong Salamat sa inyong maitutulong!!