Hihingi lang po legal advice. Yung classmate ng anak ko ay lumayas at tumutuloy ngayon sa amin. Matagal na po syang kaibigan ng anak ko at humihingi sya ng tulong. Namatay ang nanay nya nung 2006 sa sakit na cancer at ang naging legal guardian nya ang nakakabatang kapatid ng nanay. Ang nanay nya at me monthly pension sa SSS at me monthly salary na pinoprovide ng company na dating pinagtrabahuhan ng nanay na real estate. Mabait ang boss nya at pinangakuan ang nanay nya pag aaralin ang bata. Ang lahat ng pera na yun ay ang legal guardian ang tumatanggap. Ang bahay na tinutuluyan nila ay nakapangalan na sa batang ito na 14 years old at 2nd year high school na ngayon sa isang private school dito sa cavite.
Ayon sa bata ay hirap na hirap syang makisama sa tyahin na wala namang trabaho at wala ring asawa at ngayon ay ipapadala sya sa Camarines Sur at ipapaalaga daw sya sa isang kapatid din ng nanay nya. Ayaw ng batang ito na ipadala sya sa camarines sur. Kung ang tyahin nya ang legal guardian nya. Ang bahay na tinutuluyan nila ay nakapangalan na sa bata marahil siguro alam ng nanay na me cancer at mamamatay nga sya ay maayos nyang iniwan ang lahat ng papeles. Ngunit isa sa mga papeles na yun ay naglalaman na sa absence ng bata ay ang susunod na magmamay ari ng bahay ay ang legal guardian nya.
Tama ba na ipadala nya sa ibang kapatid nya ang bata kung sya ang legal guardian? Me karapatan ba ang bata na tumanggi sa gusto ng legal guardian nya. Natatakot kasi ang batang ito na baka dinidispose lang sya ng tyahin.
Please advise. Maraming salamat po.