Parang last day of my life na, pero sinusubukan ko padin lumaban,
actually, may resolution na from prosecutor pero di ko pa nakikita sinabi palang sakin ng Company na nagdemanda sakin ng qualified theft, so eto inaabangan ko din.
Usually anu po ba ang nakasulat kapag guilty na, meron kaya recommendation para makapagbail ako, ayaw kasi pumayag ng settlement ng Company, ewan ko pero gusto nila aminin ko muna in writing pati kung paano ko nagawa ang pagnanakaw, pero sympre ayaw ko gawin yun pero sabi nila yun lang daw ang kapalit para pumayag sila sa settlement, hirap akong magtiwala lalo na dun sa HR nila kasi ilang beses nako nilaglag ng HR na yun eh, sya nga ang nagpush sa may-ari para idemanda ako at wag na makipagsettle, sa totoo naiisip ko na magpakamatay nalang ako para tapos na lahat ng ito, pero pag naiisip ko naman 140k na halaga lamang ba ang buhay ko, sobrang guilty ako kasi alam ko kasalanan ko naman talaga at alam ko yun di ko yun tinatanggi pero di ko sya maamin talaga in writing at isulat kung paano ko ginawa, inisip ko kasi kung willing naman sila sa settlement bakit need ko pa idetalye ang lahat.
May resolution na, for sure guilty ang nakalagay dun kasi di naman ako ng reply sa complaint nila, basta pumunta lang ako sa fiscal office nun, sabi ko di nako gagawa ng counter ko, so eto na after 60days of waiting andito na ang kinatatakutan ko, pero still umaasa padin ako na papayag sila sa settlement nalang.... in case hindi ang tanong ko, after ba ng resolution at sana may bail bond na recommended ang fiscal, ilang taon ba tatakbo ang kaso ko, at sakaling guilty nga ilang taon ako makukulong na ang amount na involve ay 145K...
minsan kahit paghandaan natin ang lahat mahirap padin tanggapin, pero siguro sa buhay ng tao dumadaan talaga sa ganitong pagsubok, nasilaw ako sa maliit na pera, eto kailangan natin pagbayaran, siguro hindi sa paraan na gusto natin... nanlulumo lang ako sa ngayon kasi di ko alam bakit ayaw ng settlement parang daig ko pa pumatay ng tao sa nagawa ko, yung bigat sa puso ang mahirap buhatin kasi alam ko na kasalanan ko, pero diba lahat may second chance baka need ko daanan ang process na to...
yun lang di ko kasi alam ilang year makukulong pag qualified theft with that amount sabi 12years daw, so 33 nako now, 45 years old nako pagnagkataon... hay, sa huli talaga ang pagsisi dun sa mga member na may same case sakin or relative na meron same case sakin, isa lang iiwanan ko sa inyo, wag na tayo uulit kung anuman ang maging resulta ng lahat, ihanda natin ang sarili natin, mahirap man wag kayo bumitiw dahil sa bawat araw na nagigising ka pa may pag asa ka pa para baguhin ang buhay mo, hindi rin lahat ng nakulong paglabas wala ng pag asa, hindi ka man makahanap ng work makakasimula ka uli sa panibagong buhay mo....
sana lang after all this, makalagpas ako at mabigyan padin ng pagkakataon para makapagbagong buhay. wag tayo pasilaw sa pera...kaya pala tao ang nakalagay sa pera nakakapagsalita sya.... malungkot man ang buhay bigyan padin ito ng pag asa....