This is the story of how and when everything started. I started dating the mother of my child back in 2012 and had a very smooth relationship, we are open to each other she even admitted and told me that she's a single mom of a 2yr old boy. Wala po ako problem being soon to be step dad to very smart little boy. Things got better and we decided to be together and to make it short we decided to have a family of our own. She got pregnant after a year of being together. Noong nagbubuntis siya she was stil seeing her ex (father of her first child) perok naman sakin lalo na pag tungkol sa bata. Months passed naging cold ang pagsasama namin. I dont know, nagdadahilan siya na di niya nakukuha gusto niya?? I doubt kasi lahat ibinibigay ko sa kanya and supported her all the way. After niya manganak, 1st month was ok breastfeeding etc. . . After 2 months nagdecide siya na uuwi muna siya sa bahay nila para maalagaan din niya ang panganay niya at pumayag ako kasi napamahal na rin sakin ang panganay niya. But she NEVER came back. Di man lang nangangamusta (ang dahilan niya inaaway ko daw siya) nagpakita siya nung Binyag (my baby was 6 months old) , she was late at umalis din agad. Then Christmas hindi siya nagparamdam, hindi namin alam kung asan siya. She contacted me asking if pwede mangutang sakin but thats it, nawala ulet siya. Nagkasakit ang anak ko, kainailangan operahan when he was 11 months. Hindi siya nagpakita kahit man lang text or call wala. We tried to contact her but her mom said sa "IBA" na daw siya nakatira and didnt give me details of her whereabouts. The following month we celebrated my child 1st Bday party. HINDI nagpakita, only her mom and her panganay was there. Reason why? They dont know where she is. Lumipas ang ilang linggo sa tulong ng mga kaibigan ko nalaman namin na PINAGBUBUNTIS na palaya niya ang pangatlo niyang anak, ang ama ay ang ex niya na ama ng una niyang anak. Magmula po noon wala na po kami communication.
Bago po ako pumunta sa america kasama ang anak ko mayroon po kaming open dated affidavit na binibigyan niya ako ng karapatan at kung sino man ang legal guardian ng aming anak na makapg biyahe domestic or International man ito. Pumayag po siya na magkaroon ng affidavit dahil mula umpisa alam naman po niya na possible na madala ko ang bata sa ibang bansa. Ngayon po mag 5yrs old na ang anak namin, maaari po ba makabiyahe ang anak namin na walang consent niya? Kasal na po ako sa america, pero dito po namin balak i process ang papers ng bata. Nasa Pinas po kasi ang bata kasama ang lolo ngayon. Lolo lang po kasi ang kasama niya pabalik dito sa america. Sabi po ng dswd KAILANGAN pa rin ng consent niya? She left and didnt show up, never naman po siya nagreach out thru text or fb. Alam naman niya kung saan kami nakatira she never tried po. Ano po ma aadvice niyo sakin, natatakot po kasi ako na kung kelan ok na kami ng anak ko at may bago na po siyang mommy baka guluhin lang kami at baka perahan po. Marami po pwede magsulsol sa kanya. Lalo na po at napag alaman ko marami siya pinagkakautangan.
Maraming salamat.