Hello po...
magtatanong lang po ako kung ano ang pwede kong gawin. last week kasi naging biktima ako ng basag-kotse. hindi ko na po sasabihin kung anong brand ng sasakyan, pero ang masasabi ko po ay nabili ang sasakyan ng brand new noong december 2010. bale nakaparada po ang sasakyan sa isang bistro sa may congressional ave sa quezon city. may gwardya po ang establishment at tanaw niya naman ang sasakyan. pero nung binasag ng salarin ang bintana ng sasakyan ay hindi tumunog ang alarm system na meron siya. akala ko lang noong panahon na iyon ay walang alarm ang sasakyan kaya hindi siya tumunog. pero nalaman ko kahapon na meron daw pala siyang alarm hindi lang siya gumagana.
ang naiisip ko lang, kung gumagana nang maayos ang alarm na meron ang sasakyan ay napansin agad sana na may bumasag sa salamin dahil malapit lang ang mga tao sa sasakyan at maaaring napigilan ang salarin.
ang tanong ko po ay may habol po ba ako sa kumpanya na pinagbilhan ko ng sasakyan dahil hindi gumana ang alarm na kasama sa sasakyang nabili lamang noong december 2010?