Good evening po Atty. kailangan ko po nang advice tungkol po dito sa problema ko sa aking mama. Fifteen years na po kaming not in good terms sa mama ko. Ang dahilan po itong napangasawa ko ngayon. In short po nag try na po akong lumapit sa kanya kaya lang hindi pa rin matanggap. Hanggang sa dumating na nagkakasagutan kami ng mama ko last Dec. 2010 dahil lang sa sulsol nang ibang tao. Ganito po yon ang nangyari nagfile po ako nang tatlong summon sa barangay pero hindi po dumating yong mama ko title MEDIATION kasi gusto kong makipagsundo sa mama ko na kunin ko nalang yong rights ko in behalf of my deceased father. Naisip ko kasi na gawin to dahil matanda na rin ako at may anak na rin ako. At sa ganitong paraan baka may magawa pa ako for reconciliation. Ganito po yon ang land title po naka pangalan sa lolo ko ama nang yumao kong papa at yong bahay sa papa at mama ko kaya lang sabi nang Auntie ko kapatid ng papa ko ang naka pangalan dun sa declaration title ay pangalan ng lolo ko. Ang advice nang barangay sa akin after 3 summons kukuha ako ng certification para file sa korte. Dapat may advice ako galing sa Atty kung ano ang pwedeng title ko sa certification. Sa tingin po ba ninyo Atty may chance akong makuha yung rights ko? Sa ngayon po, kumilos yung mama ko na e name transfer sa kanya ang bahay namin. Pwede po ba yun kahit naka pangalan sa lolo ko? Please po need your support and advice regarding this matter.
Thank you and God Bless.
Thank you and God Bless.