Nagapply po ako for promotion last august at dumaan sa 2-day interview. Pagkatapos ng interview, kinausap po ako ng department head at manager namin na ako daw po ang napili sa position at kinongratulate. Sinabi na din po sa cluster namin na ako ang napili. Wala pa pong written announcement sa buong kompanya kasi sa sunod na buwan (this september) pa po effectivity. Pinasa po ng Managers ko ang promotion documents sa hr para ma process this week pero hindi po ito inapprovahan ng hr manager. Meron po kasi akong non compliance sa pagtag ng oras ko nung march. Inaamin ko pong hindi ko na save ang oras ko ng isang araw last march pero inayos ko po agad ito pagkabalik ko. Hindi na po ako binigyan ng corrective action ng immediate manager ko dahil doon. Ang reason po ng hr dapat daw po bigyan ako ng corrective action at hindi ako dapat mapromot kasi isa po sa mga requirements para makapagapply sa promotion ay wala kang running active corrective action. Nung time na nagapply at ininterview po nila ako last August hanggang ngayon po ay wala pa po akong corrective action. Pipirmahan ko po ba yung corrective action na ibibigay sakin kahit march pa po ito nangyari?
Isnag buwan po akong nagantay expecting na promoted ako kasi yun po ang sinabi nila sakin. Dami na din pong tao ang nakakaalam na promoted ako (hindi po ako ang nagsabi). Ayos lang po sana kung di ako mapromote pero sana po sinabi nila sakin ng maaga hindi po yung isang buwan pa kung saan nageexpect na po ako or sana po hindi na po nila ako pinayagan magapply in the first place. May legal rights po ba akong naapakan nila? Pwede ko po kaya kwestyunin desisyon nila? May emotional damage po ito saakin at kahihiyan.
Salamat po sa tulong nyo.