Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

PAGSUSUKAT NG LUPA AT PAGHAHATI HATI SA LUPA

Go down  Message [Page 1 of 1]

bhey26


Arresto Menor

Magandang araw mo Atty. May tanong po ako, isa isahin ko po muna detalye:
1. May titulo ng lupa buong looban namin 676 square meter na nakapangalan po hanggang ngayon sa lolo at lola namin na pareho nang yumao.
2. Buhay pa po sila, binenta po ng lolo at lola noong 1976 ang buong looban sa kanilang 5 anak, tig 135.2 sq. m each. Notarized po yung Deed of Absolute Sale.
3. Hindi po naitransfer ng magkakapatid sa kanila ang title ngunit updated lagi sa pagbabayad ng amilyar taon taon. Naghahati hati na lang sila sa amilyar at nagtayo na ng kanya kanyang bahay sa looban kahit di pa natransfer and titulo sa bawat isa.
4. Noong 1980's po nagkaroon ng road widening at nabili ng gobyerno ang portion ng lupa ng panganay na nasa unahan ng looban.
5. Namatay na po ang magkakapatid na bumili ng lupa ni lolo at lola (mga magulang namin) at ngayon gusto na naming mga naiwang apo ipaayos ang titulo.
6. Gusto po ng pinsan namin na tagapagmana ng panganay sa unahan ng looban (may-ari ng portion ng lupa nasakop na ng road widening) na magpasukat sa Engineer para mahati ang looban.
Problema at katanungan:
Ngunit ang gusto niya ay magpagawa ng bagong kabuuang sukat at idivide ulit ng equal sa 5 ang lupa. Legal po ba ito at tama?
Hindi po ba ang sukat sa Orihinal na title ang pagbasehan dapat ng Geodetic Engineer sa pagsusukat?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum