nahanap ko lang po sa google ang inyong site at sana po matulungan ninyo kami. namatay po ng walang last will and testamnt ang mga biyenan ko pero nung nabubuhay pa sila, naexpress na nila kung kninong anak mapupunta ang mga maiiwan nilang bahay. 4 boys po ang kanilang anak, bunso po ang asawa ko. ang eldest po si kuya fernan, nabigyan na ng bahay sa quezon city sa pamamagitan ng pagibig loan nung empleyado pa sa gobyerno ang mga biyenan kko. dito po sa tondo may 2 silang bahay na minana din nila sa mga magulang nila. ang isa po ay para sa pangatlong anak na si kuya arman at ang isa ay paghahatian ng asawa kong si allan at ng pangalawang anak na si kuya norman. si kuya arman po ang ngalaga sa nanay nung ngakasakit kaya lumipat sya at ang asawat anak nya sa bahay na dapat ay sa asawa ko dhil pinapaupahan nya ung bahay na dapat sa kanya. masalimuot pa po ang problema nmin dhil ngayong patay na ang mga byenan ko ayaw umalis nina kuya arman sa bahay na dapat ay sa amin at patuloy niyang gustong paupahan ung bahay nya. gusto ko sana malaman kung ano ang dapat namin gawin simpleng empleyado lang po ang asawa ko pero sana po matulungan ninyo kami paglaban ang karapatan ng asawa ko sa legal na paraan.. sana po makareply kyo sa post kong ito
Last edited by carel2329 on Thu Oct 09, 2014 5:42 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : typo)