Aug 9 po ung last sched ko sa isang hotel. On call waiter po ako. Kaya nagdesisyon po akong maghanap na ng regular na job. Kasi di kmi mabigyan ng sched kasi walang event. So nung nakahanp po ako ng new work ko nitong last week ng august. Nagpasa po agad ako resignation nung sept 3. Kaso pinagrerender pa po nila ako ng 30 days pa. Since aug 9, nagkaron lng po ako ng sched nitong sept. 8 hanggang ngaun po. Wala na po ulit schedule/pasok. Pinagrerender pa nila ako ng 30 days pero di nmn dw po sila makakapagbigay ng COE kasi kailangn dw po 5 mons dw po ang tinagal ng employee. Un dw po ung protocol nila sa agency nila. Even clearance po di sila sure kung makakapagbigay sila. So parang wala lang din po ung nirerender kong 30 days. Saka po pinagmamadali na rin po ako ng new employer ko na makapagstart na. May laban po ba ako. Kasi halos isang buwan din po silang di nagbigay ng schedule?