Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Please help. Sustento

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Please help. Sustento Empty Please help. Sustento Sat Sep 08, 2018 3:55 pm

Aiannjoy


Arresto Menor

Magandang Araw po. Ako po si Joy. May dalawang anak sa una kong kalive in ng almost 11yrs. Nasa abroad po sya. Ako po ay may nakarelasyon na dati kong ksamahan sa trbaho na may kinakasama at isang anak. Itinago niya ako sa loob ng 8buwan ng aming relasyon. Ngayon po ay buntis ako ng 6 na buwan mahigit.. Nitong august lamang po niya inamin sa asawa nya lahat lahat. Samantalang ako nmn po ay nakipaghiwalay na sa asawa ko ng malaman kong buntis ako sa kanya. Umalis na po sya sa bahay nilang magasawa nitong august 21 at bumukod sya sa kdahilanang ayaw na rin sana nyang makipagayos sa asawa nya. Pero susustentuhan nya ang anak nila 3k kinsenas at kailangan nya kong hiwalayan ayon sa asawa nya dahil kung hindi nya ito gagawin ay ilalayo sa kanya ang anak nila at iuuwi ng probinsya. Sya araw araw ang taga hatid sundo sa eskwelahan sa anak nya. Subalit kahit hiwalay na sila ako pa rin ang madalas nya kasama. Hindi kami nagsasama sa inuupahan nya subalit madalas nya akong papunthain don. Mdalas pa rin kami magkita. Pero nitong katapusan lng ng august at nakipaghiwalay sya sa akin upang makipagayos daw sa asawa nya dahil naaawa sya sa anak nila. Napakasakit sa kalooban dahil hindi nya naisip ang anak naminng dinadala ko palang. Nagusap kami para sa bata subalit ang sabi daw ng kinakasama nya ay 1k lang ang ibigay sa akin kada sweldo. Samantalang kumikita sya ng 9-10k kinsenas. Nakiusap ako na 1500 manlang sapagkat walang wala akong pinagkukunan maski ano dahil nawalan ako ng trbaho dahil sa nangyari sa amin. Alam rin nya na kahit anong gamit ng bata ay wala ako. Maski pakpacheckup at pambili manlang nv maluluwag na damit ay wala. Nakiusap ako n 1500 hanggat hindi pa lumalabas ang bata. At paglabas ay 2k n ang ibbgay nya. Pumayag sya at usapan namin n sya ang magbbagy sa akin sapagkat masakitnpa rin sa akin ang ginawa nyang pagtalikod sa amin ng bata. Subalit ng sumweldo na sya ay tumwag sa akin ang asawa nya at siya daw ang magbbgay ng pera sakin. Sya daw ang asawa at siya ang binalikan kaya hindi na pwedeng si Yamson ang magbigay sa akin. Sa halagang 1500 ay ipapamuka nya lahat ng sakit. Stress na stress na ako sa kanila. Hirap na hirap na nga ang kalooban ko ganun pa ang gagawin nila. Undi ko kinausap ang asawa nya. Hapon n ng tineks ko sya at sinabing ang sama nmn nya. At hindi na kako ako magkokonsidera 2k na po ang hiningi ko. Napkalaking luwag na nun para sa kanya. Subalit nagtalo pa kami dahil hndi n raw paoayag ang asawa nya dahil ayaw tlagang pasustentuhan nito ang anak namin. Ano po ba ang dapat kong gawin. May karapatan po ba akong magdemand para rito sa bata. At may karapatan po ba ang asawa nya na harangin sya sa responsibilidad nya dito sa bata. Sinabi nmn po nya sakin na kinokontrol sya ng asawa nya dahil sa anak nila. Mahal na mahal po nya ang anak niya kaya kahit anong sabihin ng asawa nya ag sinusunod nya dahil kapag hindi ay iuuwi ang hata sa probinsya at ipagkakait sa kanya.. Nagsusuffer na ko po ako emotionally, mentally lahat lahat pati itong batang dinadala ko sa lahat ng sakit at hirap na pinaparanas niya sa akin. Sana po ay matugunan ninyo ang aking problema. Maraming salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum