Adopted child po ako, kaso di po legally. Anak po ako ng father ko sa ibang babae (di po sila kasal pero nakalagay sa birth certificate ko married sila). Nang maghiwalay po sila kinupkop po ako ng live-in partner ng father ko yung mother ko po ngayon. Simula po nang mag-aral ako yung middle name ko po na gingamit ung sa mother ko po ngayon and yung surname ay sa father ko. Lahat po ng records ko (sa school, sss and nbi) yun po ang middle name and surname ko. pero sa birth certificate po yung middle name ko yung sa tunay ko pong nanay. Nung 17 po ako nalaman ko din po na mali ung spelling ng name ko. (example lang po eto) ang gamit ko po ngayon Ma. Ana Cruz Santos versus yung sa birth certificate Maria Ana Reyes Santos Hingi po ako ng payo kung maaari ko po bang i-legalize yung pangalan ko ngayon? Ano po ang mga dapat kong gawin? May balak po ako mag apply ng trabaho sa ibang bansa. At isa pong nakikita kong magiging problema ko ang pangalan ko.
Thank you po and God Bless.