A few months ago po, na-terminate po ako sa previous company ko dahil di ko po na-reach yung company standards although wala naman po ko absences at nilabag na something major.
Rank and file employee po ako at probationary. Less than 6 months po ang tinagal ko sa maliit na company na yun.
Now po, naghahanap po ako ng job na mas fit sa skills ko. This month lang po may nag-offer sa akin ng job. Entry level din po at rank and file din pero different siya sa previous job ko.
Di ko po alam kung magpoproceed ako dun sa offer kasi may non-compete clause yung contract ko. Sabi dun sa contract bawal daw po magwork sa business, firm, etc. na competitive dun sa business nila for 1 year (directly or indirectly).
Ang problema po, yung company na nag-ooffer may subsidiary na naghahandle ng site na parang may similarities dun sa previous job ko. Kaso di naman dun sa subsidiary yung nag-ooffer sa akin ng job.
Kahit po ba sa subsidiary at different position naman ang aapplyan mo ay sakop pa rin po ba yun ng Non-compete clause?
In this situation po, need po ba na ireject na lang po muna yung job offer? Kahit po na terminated ako at di naman resigned employee.
Kung tutuloy po ba ko dun sa application at matanggap ako, malaki po ba ang posibilidad na kasuhan ako ng previous company ko?
Wala naman pong nakalagay dun sa contract kung anong specific na penalties yung ipapataw in case malabag yung clause. Although di ko pa po nakukuha yung backpay at COE ko sa kanila.
Napepressure na rin po ako dahil gusto ng parents ko na magkawork na ko ulit. Kaya lang medyo hirap po ko makahanap ng work pero at the same time, ayoko naman po magka-legal problem.
Thanks in advance po sa makakapagbigay ng advice.