hihingi sana ko ng advice..
january 2018 nakakuha ako ng house under PAG IBIG housing loan (foreclosed property), after 4 months na approved. nag i-start na ang monthly payment ko.the problem is ayaw at nagmamatigas umalis yung illegal settlers
bago ko nag file ng application sa PAG IBIG 4x ko binalikan yung bahay, may nakausap ako si Maria ang sabi nya kunin na at di kakayanin monthly payment. ito na nung lumabas yung MOVE IN paper, pinakita namin sa kanila biglang lumabas si Juan anak ni Maria, at ayaw nya umalis dahil kanila daw yung house. idaan nalang sa legal na paraan. kaya lang hangang ngaun nagbabayad na ako ng monthly sa PAG IBIG pero sya ang nakatira.
nag file kami sa brgy level di nya sinipot hangang sa lumabas yung certificate to file an action.
tanong ko po..
1. may laban ba kami sa ganitong kaso?
2. magkano magagastos sa pag file ng case againts them sa MTC?
3. paano ang processo ng pag file ng case for eviction?
4. mga ilang days, months, years bago lumabas yung decision?
5. pwede ko ba pabayaran yung months na tinira nya sa bahay na ako na ang nagbabayad sa PAG IBIG? and Lahat ng gagastusin ko sa Korte?
Salamat po..