Kumpleto na po ako ng documents, may title na ako, deed of absolute sale, authority to move in at pumirma nman po sila sa notice to vacate galing pag-ibig.
Inilapit na po namin sa homeowners association, barangay at umabot na kami sa lupon sa brgy pero ayaw po talaga nila umalis.
Binigyan na po kmi ng brgy ng recommendation to file action... Ano po ang aming next step na gagawin...? meron po nagsabi na ideretso sa pulis, meron din po nagsabi na mag file ng criminal case na tresspassing, meron po nagsabi dalhin sa fiscal.... Ano po ba ang pinaka madali at mabilis na paraan para mapaalis na sila sa property kong nabili.
Salamat po.