Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Resignation concern

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Resignation concern Empty Resignation concern Fri Aug 31, 2018 4:38 pm

GVE


Arresto Menor

Nagwork po ako sa isang private company since May 2005 bilang office staff. Wala po sa minimum yung sahod ko nung nagstart po ako nung 2005. Lumipas po ang taon hindi pa rin po umaabot sa minimum ung sahod ko. Dahil po nakakapag Cash Advance naman po kami sa company na di naman po kalakihan ung bawas sa sweldo kaya napagtyagaan ko na din po. Nung August 1 2018 nagfile po ako ng resignation because of personal reason na kailangan ko pa talaga mag resign. Nag email po ako sa president ng resignation kasi po laging out of the country. And nagsubmit ako sa hr ng resignation. 30days notice po yung resignation ko as per labor. Sinunod ko po yun. Alam ko naman po na walang makukuhang separation pay ung nagresign. Wala naman po kaming union sa office and wala din po akong contract. Pero sabi nga po depende pa rin sa management or may ari kung mag bibigay so nagtry po ako mag email sa president. Wala pong reply. Week before po matapos yung last day ko nagtanong po ako about sa back pay ko. Wala pa daw po reply yung may ari. The day after po ng last day ko nag msg po sa akin ung hr/acctg na wala na po akong makukuhang back pay kasi may CA po ako and need ko pa daw po ng promissory note sa CA ko. Sa loob po ng higit kumulang 14 years ko sa company na hindi po ako minimum lumaki po talaga yung CA ko para po masustain yung needs.

Kailangan ko po ng advice kung pababayaran po nila yung CA ko pwede po ba akong mag file ng underpaid for almost 14years kasi po lalaki yung CA ko kung tama yung sweldo?

2Resignation concern Empty Re: Resignation concern Sat Sep 01, 2018 7:02 am

mikos23

mikos23
Reclusion Perpetua

mag file ka na lang ng complaint sa DOLE

3Resignation concern Empty Re: Resignation concern Sat Sep 01, 2018 7:43 am

arnoldventura


Reclusion Perpetua

Pwede ka naman mag-file sa DOLE ng money claims, pero hanggang 3 years lang ang pwede mo i-claim. Yun nga lang, kailangan mo parin bayaran yung cash advance mo, so may karapatan din si employer na i-offset yung kulang nila sayo sa utang mo sa kanila. Kasama yan sa proseso ng pag-turn over mo ng accountabilities na pinagdadaanan naman talaga ng kahit sinong empleyadong nagre-resign. https://www.alburovillanueva.com/nature-consequences-resignation

4Resignation concern Empty Re: Resignation concern Sat Sep 01, 2018 8:00 am

GVE


Arresto Menor

Willing naman po ako ioffset yung cash advance. Hanggang 3 yrs lang po ba pwede iclaim for underpayment? Kung 10yrs akong di minimum nagkataon this 2018 umabot na sa minimum yung sweldo after po ng ilang taon ngun lang umabot sa minimum. Hindi ko na po ba pwedeng iclaim yun? Kasi kung yung company iclaim nila ung cash advance ko.

5Resignation concern Empty Re: Resignation concern Sat Sep 01, 2018 8:33 am

lukekyle


Reclusion Perpetua

yes 3 years lang talaga

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum