Gusto ko po sanang isangguni tong bagay na to..
May binibili po kaming property na iloloan din namin sa bank..ako po yung principal borrower at co-borrower ko po ang husband ko.
Sa April po yung sched ng release ng loan at pirmahan sana ng mga documents, ang problem po is aalis din ang mister ko that time papuntang US for 2 months. As per my agent, magpagawa daw ako ng SPA..
May idea naman po ako kung ano ung SPA..I want to know lang po kung sa SPA po ba pwedeng ako na din po yung tumayong representative ng husband ko at pumirma para sa kanya?..san-san po bang pwedeng gamitin ito? pwede po bang magkaroon me ng authorization na pumirma sa checking account nya at magrelease ng mga checks kahit wala sya using SPA?
Pasensya na po sa pagkaignorante ko..Sana po matulungan nyo ko..Salamat!