Dapat nagpaalam sya, kasi kahit sabihin pa nating meron naman syang reason para hindi pumasok, nakaka-disrupt parin ng operations ng kumpanya ang biglang pagliban ng isang empleyado nang walang paalam, lalo na kung matagal nawala ang empleyado. Most likely meron code of conduct ang kompanya nya, tignan nyo kung papasok sa offense na AWOL or abandonment of work yung ginawa nya. Kung oo, then pwede talaga sya ma-terminate kung yun ang imposable penalty sa kasalanan nya. https://www.alburovillanueva.com/discipline-suspension-termination Klaruhin ko lang: Hindi nya kasalanan na nagkasakit sya. Ang kasalanan nya dito ay hindi sya nagpaalam kahit sya ay mawawala ng matagal.