Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Child support and visitation rights

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Child support and visitation rights Empty Child support and visitation rights Sat Aug 25, 2018 1:02 pm

insignearjhez


Arresto Menor

Good day everyone, seaman ako ngayon. meron akong anak sa na nasa kanyang ina pero hindi kami kasal at hiwalay na. from 2 months to 4 years old ang anak namin, ang ama ko ang nag aalaga at ate ko habang kami ay nag tratrabaho. ngunit ngayong hiwalay na kami, kinuwa na nya ang bata. tuloy pa din po ang financial child support ko pero ayaw na nya ipahiram sa mama ko ang bata para naman sana makita ko man lang kahit video chat. ano po ba dapat ko gawin? para makuwa naman ng mama ko ang bata kahit 2 days in a week lang para makita ko sa video chat. thank you

2Child support and visitation rights Empty Re: Child support and visitation rights Sat Aug 25, 2018 2:27 pm

thepoetsedge

thepoetsedge
Reclusion Perpetua

Child support is necessary under the laws.

Kausapin mo ng maayos yung misis mo para bigyan ng schedule yung anak nyo na pumunta sa in-laws nya for videochat purposes. Ilagay nyo sa kasulatan yung schedule para klaro kung kelan pupunta yung bata sa inyo.

Kung ayaw makipag-usap ng asawa mo sa iyo, subukan nyong humingi ng tulong sa DSWD.

3Child support and visitation rights Empty Re: Child support and visitation rights Sat Aug 25, 2018 2:36 pm

insignearjhez


Arresto Menor

Noted sir, Thank you... pero pwede ba akong kumuwa na ng atty. na kakausap sa nanay mismo at hindi na kailangan ng presence ko? naka onboard po kasi ako ngayon eh

4Child support and visitation rights Empty Re: Child support and visitation rights Sat Aug 25, 2018 2:37 pm

insignearjhez


Arresto Menor

Noted sir, Thank you... pero pwede ba akong kumuwa na ng atty. na kakausap sa nanay mismo at hindi na kailangan ng presence ko? naka onboard po kasi ako ngayon eh

5Child support and visitation rights Empty Re: Child support and visitation rights Sat Aug 25, 2018 6:07 pm

thepoetsedge

thepoetsedge
Reclusion Perpetua

Pwede naman. Have your parents hire a lawyer who is well-versed in family law para tulungan ka sa kaso mo.

6Child support and visitation rights Empty Re: Child support and visitation rights Sun Aug 26, 2018 6:31 pm

Ladylee18


Arresto Menor

Hi Good day! Please enlighten me po. May ka live-in partner po ako ngayon mga 5mos palang po kami. May anak po yung ka live-in partner ko sa una nyang ex live-in partner isang babae po na 5 years old na ngayon. Yung nanay po kasi ng anak nila binabantaan po syang kasuhan ng "economic abuse" eh nag papadala po ng bf ko ng 6k-7k a month. Ang sinasahod po ng bf ko per month ay nasa 22k. Syempre po may sariling gastusin po ang bf ko at bayarin. Yung nanay po ng bata ay currently walang trabaho at dun pa po nakatira sa bahay ng nanay ng bf ko until now. So yunh pinapadala po ng bf ko para sa anak nya ay isinasabay na po nya sa pagpapadala sa nanay nya dahil nakikitira po yung ex nya sa bahay ng nanay nya. Talaga po bang makakasuhan yung bf ko? thamk yoy so much

7Child support and visitation rights Empty Re: Child support and visitation rights Sun Aug 26, 2018 6:49 pm

insignearjhez


Arresto Menor

una, sana meron sya proof na nagpadala sya ng pera. like sakin kasi nagsusutento ako sa anak ko sa una pero and advise sakin ng legal council pag nag sustento ako dapat may proof. like palawan express, cebuana, or M lhuillier na resibo na and receiver at sender eh yung partner mo at ex nya. at pag nag file sya ng ecnoomic abuse eh sya pa ang mapapahiya. and wala naman sinasabi sa batas na kung magkano dapat ang sustento ng ama sa kanyang anak. sa sahod nyang 22k malaki na ang 6-7k. pero nag aaral na ba ang bata? naka private ba? kung naka private eh maliit nga ayan. pero syempre kung ano lang ang kaya ng ama. alangan naman pasukahin nya ng pera partner mo.

8Child support and visitation rights Empty Re: Child support and visitation rights Sun Aug 26, 2018 6:53 pm

insignearjhez


Arresto Menor

may nangyari na ganyan case sa cousin ko, pero napahiya lang si girl. kasi naitabi ng cousin ko lahat ng resio na padala nya.

9Child support and visitation rights Empty Re: Child support and visitation rights Wed Aug 29, 2018 4:49 pm

Ladylee18


Arresto Menor

Sa public lang nag aaral pre school lang po yng bata. thank you so much

10Child support and visitation rights Empty Financial demand letter Tue Sep 04, 2018 12:03 am

queencee1017


Arresto Menor


Hi po ask ko lang yung cousin ko po kasi may nabuntis pero from the start palang nagusap na sila nung girl about sa magiging set up nila. Hindi rin sigurado pinsan ko if sa kanya talaga ung bata pero Alam ni girl na minimum lang ang sweldo ng cousin ko kaya una ay okay lang na wala talaga support pero yung nanganak ung girl nagbigay ng 10k ung pinsan ko kaso po on hand binigay wala siya proof. wala narin convo nila. Ngayon po kasi nakatangap ng demand letter pinsan ko na kailangan nya mag bigay 7k monthly and ung unang bigay ay dapat within 10days kundi magfile sila tuluyan ng case. e hindi po kaya ng pinsan ko. hindi nakapangalan kay pinsan ung bata and hindi rin po naka declare sa birthcert. Ano po ba pwede magawa? salamat po

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum