Ngayon ay gusto po ng tito ko na ipagbili na yung lupa pero hindi pa po sang-ayon yung daddy ko. May laban po ba ang tito ko sa lupa dahil nasakanya yung original copy? Pano po namin makukuha ng legal yung original na kopya ng tct? Ang balak po namin ay bayaran na lang yung tito ko para sa daddy ko na po yung lupa, pero paano po namin idadaan sa legal na paraan na babayaran po namin sya pero unti unti po hindi po isang bagsakan. At paano po namin pwede malaman sa legal na paraan kung magkano po ang dapat naming ibayad sakanya para makuha na ng buo ng daddy ko yung lupa.
PS. Ang nagbabayad po ng amilyar sa lupa ay yung tito ko.
Salamat po sa time para basahin itong message ko. Hoping for you kind feedback po. Thank you.