Good day po. Pwede po ba magask ng advice. Yung parents ko po kasi at yung boss niya nagkaroon sila ng business na lending. Nasa pangalan po ng parents ko yun at yung boss naman yung nagfufund. 3 years din pong naging maganda ang business at 60-40 po ang hatian sa kita (boss-parents ko). But in business wala namang pong sure may mga tumakas po na nagsanla at hindi na po nabalik yung pera at unti unti na nalugi. Ngayon po ang gusto ng boss eh bayaran siya ng capital na 700,000 yun po yung total ng perang nabigay niya. Tama po ba na kami po ang magbabayad nun? Wala man lang consideration kasi both naman nakinabang? At parang sinasabi pa na bibigyan pa nila interest yun. Ano po ba ang magandang gawin? Salamat po
Free Legal Advice Philippines