Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pautang sa makunat na tao

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Pautang sa makunat na tao Empty Pautang sa makunat na tao Wed Aug 01, 2018 9:33 am

Sisa4ver


Arresto Menor

Patulong Naman po,me kapitbahay po ako na inutangan ako ng 15k nuon pang 2013.pinangakuan po niya ako ng 20% percent na tubo kada buwan.pumayag po ako dahi ang Sabi nya ay di aabutin ng dalawang buwan at maibabalik nya ang Pera ko.dahil po sa Wala ako trabaho dahi me sakit ang mister ko naingganyo po ako.eto pa ang problem,matapos po nya mka pagbigay ng 3 beses na tubo.di na nasundan.puro pangako na at sabing kwentahin Lang ang itatakbong tubo at babayaran nya pag nakuha nya Yung loan nya.lumipas po ang mga bwan hanggang naging taon na puro pangako ang sinasabi nya.sinabihan ko na po sya na wag na nya isipin Yung tubo Basta maibalik nya Lang Yung 15k na kapital at kahit na hulugan payag ako Basta mabayaran ako para maipangbili Kong gamot sa asawa Kong me sakit.

2Pautang sa makunat na tao Empty Re: Pautang sa makunat na tao Wed Aug 01, 2018 9:36 am

thepoetsedge

thepoetsedge
Reclusion Perpetua

May kasulatan ba kayo sa pagkakautang nya sa iyo?

Pumunta kayo sa baranggay at patulong kayo sa mga opisyales doon para mag-undergo kayo ng Baranggay Conciliation procedure. Ilagay nyo sa kasulatan yung utang at kung magkano ang babayaran kada buwan nung nangutang sa iyo. Ngayon, may mga witness kayo na saksi sa pagkakagawa ng kasulatan na ito, at mga baranggay officials pa.

Sana ay mabigyan ng nararapat na lunas ang iyong problema.

3Pautang sa makunat na tao Empty Re: Pautang sa makunat na tao Wed Aug 01, 2018 9:44 am

Sisa4ver


Arresto Menor

Me pinirmahan po syang kasulatan sa akin.di po ako sanay sa mga ganitong usapin at ayaw ko po Sana ng iskandalo pero mukang yang payo nyo na Lang po ang pag asa ko.sya pa po kasi and matapang pag sinisingil at naghahamon na ipabarangay ko daw sya dahil di Naman daw po sya mapipilit magbayad.maraming salamat po talaga sa inyo.god bless po!!!

4Pautang sa makunat na tao Empty Re: Pautang sa makunat na tao Wed Aug 01, 2018 9:47 am

thepoetsedge

thepoetsedge
Reclusion Perpetua

Kapag ganyan, sa barangay na dapat ang usapan. Kapag di nagkasundo sa barangay, kuha ka ng Certificate to File Action para makapaghain ka ng kaso sa Small Claims Court sa area nyo kung saan ang mga korte. Collection Case for a Sum of Money ang ikakaso mo laban dun sa may utang sa iyo. Usually, mabilis lang ang proseso dito kasi summary procedure ito at di na kailangan ng mahabang paglilitis kapag ganito.

Good luck.

5Pautang sa makunat na tao Empty Re: Pautang sa makunat na tao Fri Aug 03, 2018 5:46 pm

Sisa4ver


Arresto Menor

Sir follow up po,sinunod ko po yung payo nyo,nagpunta po ako sa baranggay kahapon nung mabalitaan nung inirereklamo ko nagpunta po sya sa bahay namin kahapon ang ipinipilit nya Yung tatlong beses daw po na itinubo nya amounting 9k dahil nga sa pangako nyang 20% na interest eh bawas daw po sa utang nya na 15k Kaya daw po 6k na Lang daw po ang dapat Kong sinisingil.pwede po ba yun? Wala po along acknowledgement receipt na binigay sa kanya .tnx po uli sa magpapaliwanag.

6Pautang sa makunat na tao Empty Re: Pautang sa makunat na tao Sat Aug 04, 2018 3:27 pm

thepoetsedge

thepoetsedge
Reclusion Perpetua

No.

Iba yung interest rate sa actual na utang.

Separate yun na kino-compute versus the original amount ng utang. Kaya nga tayo nagpapautang dahil tumutubo ito because of the agreed-upon interest rate.

Sabihin mo na hindi ganun yung nakasaad sa ating civil law regarding debts and interests.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum