Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

SURNAME AND MIDDLE NAME

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1SURNAME AND MIDDLE NAME Empty SURNAME AND MIDDLE NAME Tue Jul 31, 2018 12:56 pm

i.needhelp


Arresto Menor

Sana po may makatulong sa akin. Mula pagkabata po kasi dala ko na ang problemang ito. Sad

Problem: Lumalabas sa PSA ko ay apelyido ng nanay ko at walang nakalagay na middle name. Lahat ng credentials ko sa school pati mga ID ko ay apelyido ni tatay ang nakalagay. Paano po maililipat sa apelyido ni tatay 'yung PSA ko gayong namatay na po siya?

Paano ito nangyari? Akin pong ikukuwento, ayon din po ito sa kwento ng aking ina.

1993 po nung ako ay pinanganak sa La Union ngunit sa araw ng aking kapanganakan ay nagkataong nasa Bataan si tatay. Ayon sa kwento ng aking ina, hindi pa raw pwede ipalagay ang apelyido ng aking ama sa birth certificate kung wala pa sya don para pumirma at kung hindi pa kasal. Yung lolo (tatay ni nanay) ko na kasalukuyang kasama ng nanay ko sa La Union ay gusto ng iparegister ako sa Civil Registrar. Kaya ganun nga ang ginawa nila, since hindi po ako sasailalim sa apelyido ni tatay, lumabas na apelyido ng nanay ko ang nairehistro sa Civil Registrar at samakatuwid wala rin pong middle name ang nakalagay sa aking birth certificate.

Lumaki po ako sa Bataan kasama ng aking ama't ina dahil dito ang hometown ni tatay. Hindi ko po alam kung bakit hindi nila ito naisa-ayos kaagad. Ang dahilan po kung paano lumabas sa lahat ng credentials ko ang apelyido ng tatay ko ay sa kadahilanang pinatungan niya po ng apelyido niya ang original birth certificate ko (tampered). Photocopy lang naman po ng birth certificate kasi ang tinatanggap noon sa school. Wala naman po akong idea noon dahil wala pa po akong muwang ng mga panahong iyon.

Dumating ang pagkakataon na first year highschool ako, ay binawian ng buhay ang aking ama. Ito po ang isa sa factor ng problema ko, paano po maisasa-ayos ang PSA ko kung wala na 'yung magpapatunay na siya ang ama ko?

Nung pumunta po ako sa munisipyo ng pinagparehistruhan ko para ilapit ang problemang ito ay hinihingian nila ako ng affidavit of acknowledgement or admission of paternity. Sabi nila kahit man lang daw po sa SSS kung beneficiary niya ako. Kaso wala pong SSS si tatay at wala rin siyang iniwang sulat na may pirma niya na inaako niyang ako'y anak niya.

Hindi ko na po alam kung paano ang gagawin ko. Hindi po ako makakuha ng passport dahil dito at alam kong hangga't umaandar ang panahon ay lalong nagiging komplikado ang problema ko. Humihingi po ako ng tulong sa inyo kung ano po ang kailangan at nararapat kong gawin.

Kasalukuyan po akong nag-aaral ngayon ng kolehiyo sa isang unibersidad. Nung ako'y nag-enroll sa school ay isa sa requirement ang NSO/PSA. Meron po akong dala non pero may kaakibat na Affidavit of Discrepancy para lang hindi magconflict sa iba kong papel. Bago raw po ako grumaduate ay dapat maisaayos ko na raw po ito. Nangangamba po ako magpahanggang ngayon. Sana po may makatulong po sa akin. Wala na po akong makuhang sagot dito. Salamat po. Sad

2SURNAME AND MIDDLE NAME Empty Re: SURNAME AND MIDDLE NAME Tue Jul 31, 2018 3:57 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

ang tanging magagawa mo lang ay ipatama lahat ng documents from from school records to govt ID's para ilagay ang tama mong pangalan as per BC mo or ipahukay ang tatay mo para makapagsagawa ng DNA test para maipatunay na mag ama kayo.

3SURNAME AND MIDDLE NAME Empty Re: SURNAME AND MIDDLE NAME Tue Jul 31, 2018 4:13 pm

i.needhelp


Arresto Menor

@Xtianjames, inaallow po ba ng gov't and schools ang pagpapalit ng surname base sa PSA?

4SURNAME AND MIDDLE NAME Empty Re: SURNAME AND MIDDLE NAME Tue Jul 31, 2018 4:51 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

yes but procedure vary from each institution.

5SURNAME AND MIDDLE NAME Empty Re: SURNAME AND MIDDLE NAME Tue Jul 31, 2018 7:26 pm

i.needhelp


Arresto Menor

@XtianJames thank you. Pero may chance po ba na maayos pa ito sa na malipat sa apelyido ng tatay ko?

6SURNAME AND MIDDLE NAME Empty Re: SURNAME AND MIDDLE NAME Tue Jul 31, 2018 7:31 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

meron pero kakailanganin muna nga establish ang filiation nyo mag ama. since patay na sya, through DNA test na lang option para magawa ito (ipapahukay nyo yung labi nya para magcollect ng sample).

7SURNAME AND MIDDLE NAME Empty Re: SURNAME AND MIDDLE NAME Tue Jul 31, 2018 7:34 pm

i.needhelp


Arresto Menor

Maraming-maraming salamat po sa inyo. @xtianjames. Kung okay lang po itanong sir, saan po kayo nagbase sa mga statements niyo po?

8SURNAME AND MIDDLE NAME Empty Re: SURNAME AND MIDDLE NAME Tue Jul 31, 2018 7:42 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

sa ibang mga tao na same sa situation mo.

9SURNAME AND MIDDLE NAME Empty Re: SURNAME AND MIDDLE NAME Tue Jul 31, 2018 8:55 pm

i.needhelp


Arresto Menor

Thank you so much, Sir @xtianjames. Big help po ito. Smile

10SURNAME AND MIDDLE NAME Empty Re: SURNAME AND MIDDLE NAME Wed Aug 01, 2018 1:39 pm

andrew1916


Arresto Menor

Hello sir. Ask ko lang po kung paano ang procedure ng pag papalit ng Surname? Salamat po sa sagot.

11SURNAME AND MIDDLE NAME Empty Re: SURNAME AND MIDDLE NAME Wed Aug 01, 2018 2:54 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

^anong reason mo sa pagpapalit ng surname? elaborate your story

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum