Meron pong kaibigan ang misis ko na nagpahiram sa kanya ng 20k dahil Meron pong immediate na bayaran. Bayaran na Lang daw po kapag nakakuwag na. Hindi pa po namin nababayran ang nasabing halaga, nadagdagan pa nga po na umabot na sa 40k. Ang pagkakaalam po namin e in good faith meaning babayaran namin Kung makakaluwag na Kami. Now, nagkataon po na laging nasisira ang among sasakyan pampasahero, masakit po sa ulo kapag ganito palagi. Kaya naisipan po naming ipagalok at Baka sakali na makagustong bumili. Naialok po no misis dun SA pinagkakautangan namin. Hulugan daw po Kung sakaling papayag. Di po Kami pumayag. Ngayon po ay gusto nyang kuhanin ang jeep namin at iparada SA kanila biglang prenda. Wala namn pong napagusapang ganun ang Sabi ng misis ko. Pakiramdam po namin e nagkaruon na sya ng motibo na gipitin Kami para pumayag SA tawad nyang presyo dahil halos araw araw po nyang tinatakot ang misis ko na pupuntahan Kami SA bahay at kukunin nyang pilit ang aming sasakyan. Kung Hindi Kami papayag e natural daw po na magiiskandalo sya. Siempre po, sino ba me gusto ng eskandalo. Pero Hindi po Kami payag na kunin SA Amin ang dagdag na pinagkakakitaan namin para SA pagaaral ng mga anak namin. Ano pong ang dapat naming gawin at anong kaso maisasampa namin laban SA kanya kapag humantong na SA pagiiskandalo o sa sapilitang pagkuha ng aming sasakyan? Nangako Naman po kaming magbabayad ng kabuoang utang sa darating na sweldo sa 15th of next month pero mas malaki ang interest nya SA among sasakyan. Please help. Very stressful na po at Baka makagawa pa Kami ng Hindi nararapat. Salamat po.