Itatanong ko lang po kung may laban ang pinsan ko. Kasi may isinanla sa akin na lupa na sakahan. pumirma lahat ng magkakapatid ng may ari ng lupa(mga tita at tito ko kasama nanay ko) sa agreement na ginawa ng baranggay, however ang isang kapatid nila is patay na kaya ang pumirma on behalf sa kanya ay ang asawa(tito ko) sa tulong na din ng isang anak (pinsan ko). ang tito ko na asawa ng tita ko is ulyanin na din kaya pina thumbmark na lang. sa araw ng sakahan lumitaw ang isang pinsan ko at nagrereklamo dahil ayaw ipa sanla ang lupa. magpa file daw sila ng kaso. may laban po ba siya? tapos ang hawak ko lang po is agreement galing barangay hindi naka notaryo. may laban po ba ang pinsan ko kahit na naka pag thumbmark ang tatay niya sa agreement?