magandang gabi mga atty., ung kapatid ko pong lalake may asawa at anak (9 mos. old). kasal sila sa huwes. ang kapatid ko ay kapapasa lang sa board exam ng architecture at nakapag trabaho sa hindi naman malaking company. maliban sa 1st job po yun parang family business lang po ung napasukan nya kaya may kaliitan po talaga ang pasahod sa kanya. ang asawa nya po nag-aaral ulit na nursing ngayon. sa bata pa lang po kulang na ang sahod ng kapatid ko kaya hindi nya po talaga kaya pa papag-aralin ulit ung asawa nya. ngayon po nagagalit ang asawa nya at gsto nang makipaghiwalay.. pero ang gsto po ng pamilya ng babae kahit hiwalay na sila ang oobligahin nila ang kapatid ko na mag-paaral pa rin sa babae. ngayon po kailangan nila ng 50k sa school ung kapatid ko ang hinihingian nila na wala naman po talagang pera.. pag naghiwalay po sila dapat po ba ung bata lang ang sustentuhan ng kapatid ko o pati ung nanay ng bata?