Hihingi po ako ng advice sa nangyaring panloloko sakin na umabot ng 238,000.00 pesos ng isang Taxi Operator. Dati po akong OFW, naka-ipun po ako ng kaunting halaga at nagdidisisyon na mag-resign na sa pag-aabroad para makasama ang pamilya at mag negosyo na lang dito sa Pilipinas. Sa kasamaang palad po ay naloko ako ng taong pinagkatiwalaan ko na isa sa mga succesful taxi operator. Inaamin ko po naman na may pagkukulang ako dahil nagkulang ako sa kaalaman ng tamang sistema sa pagbili ng prangkisa ng taxi. Nagtiwala lang po ako sa kanya dahil sa aking mga basehan.
Nag-umpisa po ito noong July 2016. Bumibili po ako ng linya or prangkisa ng taxi( walang unit). Napagkasunduan po namin na mag-down ako ng 200,000.00 pesos para maumpisahan ang proseso ng sale and transfer ng prangkisa ng taxi , so nag-down nga po ako ng 200,000.00 pesos noong July 28,2016. Ang pangako po ng taong binibilihan ko ay maayos ang prangkisa at walang problema dahil valid or active pa ang prangkisa until October 2017 at nangako din sya na tatakbo ang unit ko sa loob ng 4 to 6 months. Kasama po sa aming kasunduan ay sila ang bahala sa lahat ng proseso sa ltfrb dahil sila ang may alam sa lahat ng ito. Sa mga sumunod na bwan from August to October 2016 ay hiningan or nagbigay uli ako ng 38,000.00 pesos sa anak ng taxi operator para daw sa proseso ng nasabing prangkisa. Sa kabuoan po ay nagbayad ako sa kanila ng 238,000.00 pesos. Natapos po ang 4 to 6 months na ipinangako at palagi akong nagpa-follow ng status kung bakit hindi pa natatapos ang proseso. Ang palagi po nilang sinasabi ay malapit na matapos maghintay hintay lamang ako. Ngaun po ay 2018 na almost 2 yrs na po ang lumipas wala pa din linaw. Dahil nga po nag-aalala na ako ay nagsadya po ako sa ltfrb para itanong ang talagang status ng prangkisa na binibili ko at doon ko po nalaman na naka-hold ito dahil fake ang mga documents or fake ang annual report na ibinigay nitong taxi operator . Kinausap ko po ng personal etong taxi operator na ibalik na lamang ang pera ko dahil subrang tagal na ng ipinaghintay ko at merong problema ang nasabing prangkisa. Pinabulaanan po nya ang nasabing fake documents at sinabi na sadyang mabagal ang proseso ng LTFRB kaya maghintay lamang ako dahil hindi nya ibabalik ang pera na binayad ko.
Nagpunta po ako ng LTFRB ng 3 beses at nakumpirma with supporting documents copy na peke talaga ang mga documents ng nasabing linya. Nakiusap po ako ng tatlong beses na ibalik na lamang ang perang ibinayad ko dahil nga sa nasabing problema. Pinanindigan po na hindi nya ibabalik ang pera na binayad ko dahil naka-process na.
Humihingi po ako ng payo kung maibabalik pa ang pera ko. Sa ngayon po ay wala na po akong kakayahan na magbayad ng abogado dahil naubos na po ang perang naipun ko at nanganganib pa na mahatak ang hulugang kotse na kinuha ko na plano ko sanang gawing taxi. Subra na po ang epekto ng panlolokong ginawa nila sa amin, pati po ang special needs namin na anak ay napahinto na sa pag aaral at terapy ng almost 1yr dahil sa kakulangan sa financial dahil wala naman po akong ibang pinagkakakitaan kundi pagmamaneho.
Sana po ay mabigyan nyo ako ng advice.
Maraming Salamat po,