I had LDR relationship starting Aug2008, pinoy po xa,tubong manila.. Nasa malaysia po xa working as a waiter (according to him), ako nmn po 3rd year college student that time, taga cebu po ako. May 2009,bumisita po sya Cebu for 1 week vacation at may nangyari samen. Nabuntis po ako agad, Aug 2009, 3 months pregnant na po, bumalik ulit xa pinas para magpakasal daw kme , i was 18 y.o that time & he is 27. Kinasal po kame sa mayor , after kasal, balik ulit xa malaysia, the time po na magpapadala xa ng pera tru western union, ang PINAGTATAKA KO , hindi po pangalan niya kanyang ginamit. Taong 2010, umuwi xa pra dumalo sa 1st Bday ng anak namin, tinatong ko po xa kung bkit IBA ANG GINAMIT NIYANG PANGALAN SA PASSPORT, sagot po niya sakin dahil daw may tinakasan daw po silang kaso sa manila kaya sa tingin niya hindi xa makakuha ng NBI Req. sa Passport. Year 2011 Nakipaghiwalay na po ako sa kanya dahil hindi ko po matanggap ang nalaman ko sa kanyang totoong pagkatao,Nagdala ito ng malaking kahihiyan sa aming pamilya, Hindi rin xa totoong waiter sa Malaysia kundi po isang sindikato ng magnanakaw / pickpocketer at iba pang illegal na gawain.
Ito po ang aking katanungan::
1.) Paano ko po mapatunayan sa korte na may tinatakasan xa kaso sa manila?
=>constitute fraud as grounds for annulment of marriage: 1) non-disclosure of a previous conviction by final judgment of the other party of a crime involving moral turpitude;
2.) Fraud po ba ang tawag sa hindi niya pagsabi ng totoo sakin bago kme kinasal?
Sana po ay matutulongan niyo po ako sa aking mga katanungan , at kung meron po kayo kakilalang Atty. na sa CEBU pki refer nalang po skin. Maraming salamat po.