Nakatira po ako sa Quezon City. Meron pong project samin na Re-blocking nagkaroon po ng sukatan ng lupa pero nung time na yun wala kami sa QC lumipat kami ng 10 months sa province.
Ngyon po balak na ng mga magulang ko mag patayo ng bahay. Nakapagpatayo na po yung ilan sa mga katabi namin kaya lang iba iba po yung sukat. samin po natira na lang maliit. Ano po bang laban namin kasi sinisisi nila kami na kaya maliit lang yung portion namin ng lupa hindi kapantay ng mga katabing bahay kasi wala kami nung na sukat.
Tama po ba yun? Please need po namin ng tulong. Ano pa po yung action na pwede namin gawin. Hindi ko alm kung saan ako lalapit kasi baka maging bias yung desisyon.