Naguluhan ako sa kwento mo, so linawin lang natin ang proseso sa pagterminate ng employment:
1. Ang employer ay mag-issue ng Notice to Explain (NTE) sa empleyado, na nag-rerequire sa nasabing empleyado na sya ay magsubmit ng kanyang paliwanag sa insidenteng nasasaad doon (ang NTE ay ini-issue ng EMPLOYER). Basahin mo maigi kung ano ang laman ng natanggap mo, kasi pakiramdam ko NTE ang natanggap mo at hindi termination letter.
2. Sunod nyan, ang employee ay magsa-submit ng kanyang written explanation, in response sa NTE na natanggap nya (itong written explanation na ito ay galing sa EMPLOYEE). Malamang ito yung sinubmit mo after mong matanggap yung NTE.
3. Matapos i-consider yung explanation mo, saka pa lang mag-issue ng Notice of Termination yung kompanya mo (heto, EMPLOYER ulit ang nag-iissue nito). Mag-iissue lang ng termination letter after matapos mag-submit ang employee ng explanation nya, or after matapos yung 5-day period na walang naisa-submit na written explanation yung employee. https://www.alburovillanueva.com/dismissal-termination-employment
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay required ang admin hearing. Ang importante lang ay, bago lumabas ang termination letter mo, meron na dapat Notice to Explain kung saan binigyan ka ng pagkakataon magpaliwanag. Based sa kwento mo, ikaw na mismo ang nagsabi na nagsubmit ka ng response mo, so muka namang walang nilabag na proseso ang kompanya mo sa pagdi-disiplina sayo.