Prerogative ng employer mo kung paano nya patatakbuhin ang business nya, dahil business nya yun, maliban na lang kung in bad faith sya sa pag-lipat sa inyo sa ibang linya. By way of analogy, ikaw din naman ang may "say" kung ano ang gusto mong gawin sa sweldo mo, kasi pera mo yun, maliban na lang kung ilegal ang mga bagay na paggagastusan mo nito.
Kahit pa ayaw ninyo mailipat, pero kung sa tingin ng employer mo na kailangan kayo ilipat para sa ikabubuti ng negosyo nya, sya parin ang masusunod. Hindi mahalaga kung talaga bang nakabuti o hindi, basta hindi sya in bad faith sa paglipat sa inyo sa ibang linya, pwede nyang gawin yun at karapatan nya gawin yun. https://www.alburovillanueva.com/management-prerogative-rights-employers