Trainee po ako for 2 months sa isang consultancy firm. Wala po kaming pinirmahang kontrata. Last month, nagkaroon ng family emergency kaya kinailangan kong umuwi sa amin. 2 days later, nagpasa po ako ng resignation letter. Hindi na po ako makakabalik kasi di ko pwedeng iwan ang tatay kong may sakit, walang ibang mag-aalaga sa kanya. Sinubukan kong iwithdraw ang sweldo ko pero di na po ma-process yung ATM ko. Posible bang ihold ng employer ang sweldo ko nung huling 15 days ko? Natanggap ko pa po ang payslip ko pero di na valid ang ATM ko.