(Sa Call center po ako nagtrabaho at kasalukuyang nagtatrabaho)
Consult lang po ako tungkol sa previous employer ko po. Tinerminate po nila ako last Jan. 25,2011 which is almost my seventh month pero hindi pa po ako regular employee.
Nagstart po ako sa company nila June 28,2010 and alam ko po na dapat ievaluate po nila ako sa December 2010 which i know is my 6th month pero ang nangyare po sabi po ng supervisor ko July 27, 2010 daw po ang start date na nakalagy sa roster nila which I tried to contest and offered na dalin ang contract ko. Nang sumunod na pagkakataon po na ipinipilit ko po na June 28, 2010 ang start date ko sinabihan po ako ng supervisor ko na i-take advantage ko na lang daw po dahil kung ipilt ko man daw po na i-evaluate nya ako that month which is december 2010 ay di rin daw po ako aabot sa required metrics nila. Nang dumating po ang january 25,2011 immediate termination po ang nangyare sakin. Pinahirapan pa po nila ako sa clearance ko at napagdesisyonan ko po na magreklamo sa DOLE. Lumapit po ako sa ECC at dun po ako ng file ng complaint, Ang orihinal po na compensation na hinihingi ko ay back pay at separation pay.Ang settlement po na ginawa sa akin ay makukuha ko lang daw po ay Back pay ko (Last pay,), tax refund, at pro-rated 13th month pay at wala pong separation pay. Maaari ko po bang ituloy ang kaso sa NLRC bilang ILEEGAL TERMINATION? At may laban po ba ako kung sakali?
*Inofferan po ako ng previous company ko ng reinstatement pero hindi ko po tinanggap dahil may bago na po akong trabaho.
Salamat po!