Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

False Accusation through Facebook messenger

Go down  Message [Page 1 of 1]

Cupcake13


Arresto Menor

Magandang Araw po Atty. sana po matulungan nyo po ako sa problema namin magkakaibigan.
Nagumpisa po ang aming pagkakaibigang 5 ng kami ay magkasama sama sa trabaho sa gobyerno noong march 2015. syempre nagkakasabihan po kami ng mga personal na problema simula noon at nagpapayo sa isat isa bilang kaibigan. 2016 po napahiwalay po yun dalawa dahil nalipat po sila sa quezon city at mandaluyong naman yun isa. kaming tatlo naman ay naiwan sa manila. Magkita man kami bihira na at hindi pa kumpleto. Kaya nagulat po kami isang beses noong september 2017 ng makatanggap kami ng private message (messenger) mula sa ate ng isang kaibigan namin na nasa mandaluyong ng kung ano2x. Na kami daw ay kunsintidora sa mga kababuyan ng kapatid nya, may asawang tao (common law) puro kalandian ginagawa sa trabaho. (humingi po kasi sya ng space sa kinakasama nya dahil puro tropa at paglalasing ang ginagawa para marealize yun halaga nya). tunay na kaibigan dapat tama ang pinapayo. nalaman po namin na hindi lang pala kami ang nakareceive ng message na yun kundi lahat ng alam ng ate nya na friend sa fb. ultimong mga hschool frends at mga dating kasamahan sa trabaho. pero mas lalo po mas patama sken dahil nagkataon na kami ang huling magkasama. pero pinili na lang namin na wag sumagot nun sa pakiusap na rin ng kaibigan namin. nagkaayos naman po kami na parang walang ngyari at nakakabisita minsan sa knila. pero etong may 18, 2018 naulit na naman dahil sa ganun issue na naman. pero ngaun hindi na kamj nagkikita kita ilang biwan na at halos wala na kami contact sa isat isa dahil sa sobrang busy. pero mas malala ang mga binitiwan na salita ng ate nya at hindi ko na po kayang tiisin lahat ng mga bintang nya. at dahil uso na rin po ang group chat ngaun madali nya pang nakalat ang accusations nya. at awang awa po kami sa kaibigan namin. dahil mismong pamilya nya ang nagkakalat ng maling chismis tungkol sa kanya. sobrang stressed po ako lalo na ngayon na 3mos po akong buntis at nakasick leave dahil maselan po ang pagbubuntis ko. ako po ang pinakaapektado at hindi makatulog sa sobrang gigil ko sa ate nya. kahit po nagpaumanhin na ang magulang nila at parehas nilang asawa saken. ayaw pa rin tumigil ng ate nya. nawala na po talaga respeto ko at nakipagsagutan na rin ako. ilang beses na namin sinabi sa kanila na labas kami sa problema nila at wag kami idamay dahil nanahimik kami at kanya kanyang buhay. alam ko naman po na wala pong basehan mga sinasabi nya at wala syang proof para patunayan mga sinasabi nya. pero nakakapeste na po talaga at sobrang nakakastressed. sana po matulungan nyo po ako at ano po ba ang dapat kong gawin? sana po may maikaso ako sa knya para hindi na nya kami pestehen tuwing may problema ang pamilya nila. malakas din po kasi kapit nila at mraming kilalang mga sikat na abugado kaya alam ko na lamang sila sken. yun 2hrs daw po kasi nyang sideline mas malaki pa sa sahod namin sa buong araw...bale 5days namin yun sa totoo lang. sana po masagot nyo po agad atty ang problema ko...

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum