hello po mga attorneys, help naman po. nakabili po ako ng condo type unit through installment basis sa sta. mesa, manila. nagdown payment ako ng 200,000 at naghuhulog ng 15,000 a month without any delays for 34 months already. ang nasa contract ay magbabayad ako ng 200,000 down payment at 15,000 monthly amortization for 5 years at after 5 years ay meron pa akong babayarang 400,000 pero magkakaroon ako ng discount na 100,000 if wala ako 5 times delayed payments. nabaril at namatay po ang seller ng property few months ago at sa pagkakaalam ko hindi pa naiilipat sa pangalan niya ang property bago siya namatay. binili rin niya yun sa isang tao through GSIS. sa contract namin nung namatay ay nakasaad na kapag hindi ko na kayang bayaran ay ibabalik ko ang bahay sa seller at wala akong makukuhang refund. sa dahilan pong nawalan ako ng trabaho sa abroad, gusto ko ng ibalik ang unit dahil hindi ko na kaya ang magbayad sa mga susunod na buwan bukod sa naguguluhan na ako sa nangyari mula ng mamatay ang seller. pwede po ba akong magdemnd na ibalik sa akin kahit kalahati ng naibayad ko? applicable po ba ang maceda law sa case ko? ang sole heir po ng namatay ay ang nanay niya kasi wala po siyang asawa. maraming salamat po.