Good evening po. May problem po kasi ako sa work. I just found out that I'm pregnant, a couple of weeks ago. Last week, I had 2-4 instances of spotting, with abdominal pain. I got a med cert from a doctor, pinag-rest ako ng 3 days. On the 3rd day, may spotting kasi ulet. Dapat ia-admit ako kaya lang wala akong pera para magpa-admit. The doctor prescribed a medicine para kumapit si baby. Then nagbigay ng panibagong med cert advising me to rest for 7 days. That was Friday. Dumaan ang sat-sun, rest days ko po yun. Today, Monday, hindi pa po ako makapasok kasi may abdominal pain pa din, pero wala nang spotting. Gusto po akong papelan ng boss ko. Kung di daw ako fit to work dahil sa pregnancy, kumuha na lang daw ako ng document from the doctor, kahit wag nako magresign. Ang saken lang naman, nagpapahinga pa ako kasi nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa baby ko. Besides, 7 days naman yung in-advise ng doctor, gusto ng company pumasok na ako agad. Tapos parang nagte-threaten pa sila na mawalan ako ng trabaho. Help naman po, ano po ba ang pwede kong gawin dito? Thank you in advance.