May mga questions lang po sana ako sa Spousal Support, ano ano po ang nakapaloob sa support na ito?
- Required po ba na magpadala ng separate allowance si estranged husband para sakin, kahit na may 20K sya monthly na pinadadala as support para sa 6yrs old namin na anak?
- Ang Spousal Support po ba ay applicable lamang sa mga asawang walang trabaho o sakop din po nito ang mga tulad kong may trabaho. Nais ko po sana humingi ng dagdag dahil hindi po sapat ang kanyang padala para saming mag-ina.
- Pwede po ba ako magdemand sa kanya ng amount na need namin?
- Ang demand letter po ba ay pwede manggaling sakin o dapat po ay galing sa Attorney?
Maraming salamat po.