Isa po akong OFW sa Dubai at may dalawang lalaking anak na naiwan sa Pinas kasama ng kanilang ama. Ang kanilang ama ay kasal sa akin at nakipaghiwalay na sa salita dahil may bago na syang mahal. Ang mga anak ko po ay 13 at 9 years old na. Ngayon po yung ama e ayaw payagan man lang yung mga anak na magtagal sa side ko ang mga bata kahit gustung gusto ng mga anak ko. Ako po ang nagpapaaral at bwan bwan akong nagpapadala sa aking mga anak. At alam ng mga anak ko yun. Kung gusto ko pong kunin at dahil sa nanay ko ang mga anak ko, ano po ang laban ko at papaano po ang proseso?
Isa pa wala syang maayos na hanapbuhay pero sabi sa akin magpafile daw sya ng annulment, papano nga po ba maaannul ang kasal namin kung sya ang magpafile. At kung halimpawa na nga po na maannul kami, automatic po ba na ang custody ng bata ay sa innoccent spouse mappunta (meaning sa nanalo sa annulment) ang annulment po ba ay parang labanan?