Good day po atty. Ask ko lng po may nakipag swap po kc sa akin ng motor noong April 2, 2017, ang motor ko po ay Honda Click 125 worth 75,000, tpos po yung nakipag swap po sa akin ang motor nman nya Yamaha Mio Sporty worth 45,000, nag-add po sya sa akin ng 28,500 para maging total ay 73,500 dahil tumawad po sya sa price ko. After 1yr po magpaparehistro po ako ng motor at lumalabas po sa LTO na may isa pang plate na lumalabas kaya nagtaka po kami, kaya nagpaverify po ako, 1st verification mv file number at iba po ang lumalabas na may ari taga cavite po iba po ang plate number, 2nd verification nman po binaligtad ko ung chassis and engine number naman ang pinaverify ko at ang lumabas no plate available at ung owner nman tga sta cruz manila. Kaya agad ko pong hinanap ung nakipag swap sa akin para sabihin sa kanya n may problema ung documents na binigay po nya sa akin at fake po lahat pati OR/CR, nagharap po kami sa baranggay dahil ayaw nyang makipag-usap sa amin ng personal para masettle namin ang problema, nung nagkaharap po kami sa barangay ayaw nyang ibalik ung worth ng motor na 45,000 at ibabalik ko n lng ung unit nya ang gusto nyang mangyari ibibigay daw nya ung motor nyang honda dash at magbabayad pa kami sa kanya, kaya hindi po kami nagkasundo at isa pa po hanapin ko n lng daw kung cno ang nsa name nung CR at dun daw kami makipag-usap eh ang sabi ko hindi nman ung ang kausap ko kung hindi ikaw. Hindi po kami nag-kaayos. Ngaun po pumunta n po ako sa police station at ang sabi po sa akin ay gumawa po ako ng demand letter at ang kaso po daw nyan ay estafa and falcification of documents. Ask ko lng atty kung hindi po sya nagreply sa letter ano pong mangyayari makakasuhan po ba sya at makukulong at isa pa po malaki po ba ang laban ko sa kaso na isasampa ko po sa kanya. Maraming salamat po